Kami, mga mananampalataya ng Catholic Church of the East Philippines ay mga binyagang Kristiyano ng Isa, Banal, Katoliko at Apostoliko Simbahan na itinatag ng ating Panginoon at Tagapagligtas, si Jesucristo.
Bilang isang pamayanang sumasaksi sa pananampalataya na sinauna at kinikilala, yakap namin ang kapangyarihan ng Banal na Kasulatan at ang mga Banal na Tradisyon ng mga Apostol, tapat sa unang pitong Konsilyo Ekumeniko, pinapahayag ang Pananampalatayang Niceno – Konstantinopolitano sa orihinal na pormula nito.
Ang aming misyon ay ipahayag ang Mabuting Balita ni Hesukristo sa lahat ng mga tao at maglingkod sa kapus-palad naming kapatid kay Kristo sa pamamagitan ng mga Sakramento ng Simbahan, lalong-lalu na ang pagdiriwang ng Banal na Liturhiya ng Eukaristiya , para sa aming pagbabalik-loob, kaligtasan at pakikinabang sa Diyos.
Bilang mga Kristiyano, kami ay nakatuon sa paglilingkod ng sangkatauhan, at lalo na ang mga mahihirap, sa mga nangangailangan at sa lahat ng mga taong nagdurusa, api, sa pamamagitan ng panalangin, malasakit, at pagkakawanggawa at awa, sa gayon kami ay makapagdulot ng kapayapaan at katarungan sa mundo.
Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Banal na Espiritu, at sa pamamagitan ng panalangin ng Mahal na Birheng Maria, iniaalay namin an gaming sarili sa isang buhay ng paglalaan, pag-ibig at kapatawaran.